22 December 2008

Sa Kabila ng Pagkabalisa

Ano pa ba't ako'y balisa
Sa mga nagaganap at sa aking nakikita
Gaya ng batang kanina'y gustong pumagitna
Sa mga sasakyang pakawala

Ano pa ba't ako'y balisa
Sa naramdamang 'di mawari
Sa mga gawaing 'diko matapos tapos
Sa mga tulad kong naghihikahos

Ano pa ba't ako'y balisa na naman
Ayon at sa aking kaibuturan, may butas na naman.

No comments: